Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| “Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin, ano kaya ang nangyari? ” Sumagot kayo mga taga-Israel! |
| 2 |
| “Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin noong sinalakay tayo ng ating mga kaaway, |
| 3 |
| maaaring pinatay na nila tayo, dahil sa matinding galit nila sa atin. |
| 4 |
| Maaaring para tayong tinangay ng baha at nalunod dahil sa malakas na agos ng tubig.” |
| 5 |
| 6 |
| Purihin ang Panginoon, dahil hindi niya pinayagang lapain tayo ng ating mga kaaway, na parang mababangis na hayop. |
| 7 |
| Nakatakas tayo katulad ng ibong nakawala sa nasirang bitag. |
| 8 |
| Ang tulong natin ay nagmula sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/124.mp3
150
124