Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag, sa halip ay nananatili magpakailanman. |
| 2 |
| Kung paanong ang mga bundok ay nakapaligid sa lungsod ng Jerusalem, ang Panginoon ay nasa paligid din ng kanyang mga mamamayan magpakailanman. |
| 3 |
| Ang masama ay hindi mananatiling namamahala sa lupaing para sa mga matuwid, dahil baka makagawa rin ng masama ang mga matuwid. |
| 4 |
| Panginoon, gawan nʼyo ng mabuti ang mga taong mabuti na namumuhay nang matuwid. |
| 5 |
| Ngunit parusahan nʼyo kasama ng masasama ang inyong mamamayan na sumusunod sa hindi wastong pamumuhay. Mapasaiyo nawa Israel ang kapayapaan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/125.mp3
150
125