Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip. |
| 2 |
| Nang magkagayoy napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayoy sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay. |
| 3 |
| Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa. |
| 4 |
| Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon, na gaya ng mga batis sa Timugan. |
| 5 |
| Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan. |
| 6 |
| Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siyay di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/126.mp3
150
126