Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Nang lingapin tayo ni Yahweh at sa Zion ay ibalik, ang nangyaring kasaysaya'y parang isang panaginip. |
| 2 |
| Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit! Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid, “Tunay na dakila, ginawa ni Yahweh para sa kanila!” |
| 3 |
| Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa! |
| 4 |
| Kung paanong inuulan itong mga tuyong batis, sa sariling bayan namin, Yahweh, kami ay ibalik. |
| 5 |
| Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan. |
| 6 |
| Silang mga nagsihayong dala'y binhi't nananangis, ay aawit na may galak, dala'y ani pagbalik! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/126.mp3
150
126