Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Nang muling ibinalik ng Panginoon sa Zion ang mga nabihag, parang itoʼy panaginip lang. |
| 2 |
| Kami ay nagtawanan at nag-awitan dahil sa kagalakan. At sinabi ng mga bansang hindi kumikilala sa Panginoon, “Gumawa ng dakilang bagay ang Panginoon sa kanila.” |
| 3 |
| Totoong ginawan tayo ng dakilang bagay ng Panginoon, at punong-puno tayo ng kagalakan. |
| 4 |
| Panginoon, muli nʼyo kaming paunlarin, tulad ng tuyong batis na muling nagkaroon ng tubig. |
| 5 |
| Silang nagtatanim na lumuluha ay mag-aaning tuwang-tuwa. |
| 6 |
| Ang umalis na lumuluha, na may dalang binhi na itatanim ay babalik na masaya, na may dala-dalang mga ani. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/126.mp3
150
126