×

Ang Biblia 1905 TLAB

Awit 128

1
Mapalad ang bawat isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan.
2
Sapagkat iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
3
Ang asawa moy magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak moy parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang.
4
Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon.
5
Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
6
Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan naway suma Israel.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982
:
I-save ang Mga Tala