×

Ang Biblia 2001

Awit 128

1
Ang bawat may takot sa PANGINOON ay mapalad, na sa kanyang mga daan ay lumalakad.
2
Kakainin mo ang bunga ng paggawa ng iyong mga kamay; ikaw ay magiging masaya at ito'y magiging mabuti sa iyo.
3
Ang asawa mo'y magiging gaya ng mabungang puno ng ubas sa loob ng iyong tahanan; ang mga anak mo'y magiging gaya ng mga puno ng olibo sa palibot ng iyong hapag-kainan.
4
Narito, ang taong may takot sa PANGINOON, ay pagpapalain ng ganito.
5
Pagpalain ka ng PANGINOON mula sa Zion! Ang kaunlaran ng Jerusalem ay iyo nawang masaksihan sa lahat ng mga araw ng iyong buhay!
6
Ang mga anak ng iyong mga anak ay iyo nawang mamasdan, mapasa Israel nawa ang kapayapaan!
Tagalog Bible 2001
Philippine Bible Society, 2001
:
I-save ang Mga Tala