Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ihayag mo, O Israel, ang ginawa ng kaaway, sa simulang usigin ka, mula pa nang kabataan! |
| 2 |
| “Simula pa noong bata, ako'y di na nilubayan, mahigpit na pinag-usig, bagaman di nagtagumpay. |
| 3 |
| Ako ay sinaktan nila, ang likod ko'y sinugatan, mga sugat na malalim, parang bukid na binungkal. |
| 4 |
| Ngunit ang Diyos na si Yahweh, palibhasa ay matuwid, pinalaya niya ako at sa hirap ay inalis.” |
| 5 |
| Nawa itong mga bansang laging namumuhi sa Zion, sa labanan ay malupig, mapahiya't mapaurong! |
| 6 |
| Matulad sa mga damong tumubo sa mga bubong, natutuyong lahat ito, kahit ito'y bagong sibol, |
| 7 |
| di na ito binibigkis at hindi na tinitipon. |
| 8 |
| Kahit isang dumaraa'y di man lamang banggitin, “Nawa ang pagpapala ni Yahweh ay iyong tanggapin! Sa pangalan ni Yahweh, pagpapala ay iyong tanggapin!” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/129.mp3
150
129