Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Mga taga-Israel, sabihin ninyo kung paano kayo pinahirapan ng inyong mga kaaway mula nang itatag ang inyong bansa. |
| 2 |
| “Maraming beses nila kaming pinahirapan mula pa nang itatag ang aming bansa. Ngunit hindi sila nagtagumpay laban sa amin. |
| 3 |
| Sinugatan nila ng malalim ang aming likod, na parang lupang inararo. |
| 4 |
| Ngunit ang Panginoon ay matuwid, pinalaya niya kami sa pagkaalipin mula sa masasama.” |
| 5 |
| Magsitakas sana dahil sa kahihiyan ang lahat ng namumuhi sa Zion. |
| 6 |
| Matulad sana sila sa damong tumutubo sa bubungan ng bahay, na nang tumubo ay agad ding namatay. |
| 7 |
| Walang nagtitipon ng ganitong damo o nagdadala nito na nakabigkis. |
| 8 |
| Sanaʼy walang sinumang dumadaan na magsasabi sa kanila, “Pagpalain nawa kayo ng Panginoon! Pinagpapala namin kayo sa pangalan ng Panginoon.” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/129.mp3
150
129