×

Magandang Balita Bible (Revised) 2005

Awit 129

1
Ihayag mo, O Israel, ang ginawa ng kaaway, sa simulang usigin ka, mula pa nang kabataan!
2
“Simula pa noong bata, ako'y di na nilubayan, mahigpit na pinag-usig, bagaman di nagtagumpay.
3
Ako ay sinaktan nila, ang likod ko'y sinugatan, mga sugat na malalim, parang bukid na binungkal.
4
Ngunit ang Diyos na si Yahweh, palibhasa ay matuwid, pinalaya niya ako at sa hirap ay inalis.”
5
Nawa itong mga bansang laging namumuhi sa Zion, sa labanan ay malupig, mapahiya't mapaurong!
6
Matulad sa mga damong tumubo sa mga bubong, natutuyong lahat ito, kahit ito'y bagong sibol,
7
di na ito binibigkis at hindi na tinitipon.
8
Kahit isang dumaraa'y di man lamang banggitin, “Nawa ang pagpapala ni Yahweh ay iyong tanggapin! Sa pangalan ni Yahweh, pagpapala ay iyong tanggapin!”
Tagalog Bible 2005
2005 Philippine Bible Society
:
I-save ang Mga Tala