Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel, |
| 2 |
| Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin. |
| 3 |
| Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal. |
| 4 |
| Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama. |
| 5 |
| Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion. |
| 6 |
| Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki: |
| 7 |
| Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan. |
| 8 |
| Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/129.mp3
150
129