×

Ang Biblia 1905 TLAB

Awit 13

1
Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man? Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?
2
Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa, na may kalumbayan sa aking puso buong araw? Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?
3
Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios: liwanagan mo ang aking mga mata, baka akoy matulog ng tulog na kamatayan;
4
Baka sabihin ng aking kaaway, akoy nanaig laban sa kaniya; baka ang aking mga kaaway ay mangagalak pagka akoy nakilos.
5
Ngunit akoy tumiwala sa iyong kagandahang-loob. Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:
6
Akoy aawit sa Panginoon, sapagkat ginawan niya ako ng sagana.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982
:
I-save ang Mga Tala