×

Magandang Balita Biblia

Awit 13

1
Hanggang kailan, Yahweh, ako'y iyong lilimutin? Gaano katagal kang magtatago sa akin?
2
Gaano katagal pa itong hapdi ng damdamin at ang lungkot sa puso kong gabi't araw titiisin? Kaaway ko'y hanggang kailan magwawagi sa akin?
3
Yahweh, aking Diyos, tingnan mo ako at sagutin, huwag hayaang mamatay, lakas ko'y panumbalikin.
4
Baka sabihin ng kaaway ko na ako'y kanilang natalo, at sila'y magyabang dahil sa pagbagsak ko.
5
Nananalig ako sa pag-ibig mong wagas, magagalak ako dahil ako'y ililigtas.
6
O Yahweh, ika'y aking aawitan, dahil sa iyong masaganang kabutihan.
Tagalog Bible 2012
New Testament 2012 Philippine Bible Society Old Testament 2005 Philippine Bible Society
:
I-save ang Mga Tala