×

Ang Salita ng Dios

Awit 13

1
Panginoon, hanggang kailan nʼyo ako kalilimutan? Kalilimutan nʼyo ba ako habang buhay? Hanggang kailan ba kayo magtatago sa akin?
2
Hanggang kailan ko dadalhin itong mga pangamba ko? Ang aking mga araw ay punong-puno ng kalungkutan. Hanggang kailan ba ako matatalo ng aking mga kaaway?
3
Panginoon kong Dios, bigyan nʼyo ako ng pansin; sagutin nʼyo ang aking dalangin. Ibalik nʼyo ang ningning sa aking mga mata, upang hindi ako mamatay
4
at upang hindi masabi ng aking mga kaaway na natalo nila ako, dahil tiyak na magagalak sila kung mapahamak ako.
5
Panginoon, naniniwala po ako na mahal nʼyo ako. At ako ay nagagalak dahil iniligtas nʼyo ako.
6
Panginoon, aawitan kita dahil napakabuti nʼyo sa akin mula pa noon.
Tagalog Bible 2015
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc
:
I-save ang Mga Tala