Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon. |
| 2 |
| Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik. |
| 3 |
| Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo? |
| 4 |
| Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan. |
| 5 |
| Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako. |
| 6 |
| Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga. |
| 7 |
| Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob. |
| 8 |
| At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/130.mp3
150
130