Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Panginoon, akoʼy hindi hambog o mapagmataas. Hindi ko hinahangad ang mga bagay na napakataas na hindi ko makakayanan. |
| 2 |
| Kontento na ako katulad ng batang inawat na hindi na naghahangad ng gatas ng kanyang ina. |
| 3 |
| Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon ngayon at magpakailanman. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/131.mp3
150
131