|
| 1 |
|
| Panginoon, alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian; |
|
| 2 |
|
| Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon, at nanata sa Makapangyarihan ni Jacob: |
|
| 3 |
|
| Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay, ni sasampa man sa aking higaan, |
|
| 4 |
|
| Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata, o magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata; |
|
| 5 |
|
| Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon, ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob. |
|
| 6 |
|
| Narito, narinig namin sa Ephrata: aming nasumpungan sa mga parang ng gubat. |
|
| 7 |
|
| Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo; kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan. |
|
| 8 |
|
| Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako: ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan. |
|
| 9 |
|
| Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran; at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan. |
|
| 10 |
|
| Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis. |
|
| 11 |
|
| Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan; hindi niya babaligtarin: ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan. |
|
| 12 |
|
| Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking patotoo na aking ituturo, magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man. |
|
| 13 |
|
| Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion; kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya. |
|
| 14 |
|
| Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man. Dito ako tatahan; sapagka't aking ninasa. |
|
| 15 |
|
| Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain; aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha. |
|
| 16 |
|
| Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan: at ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan. |
|
| 17 |
|
| Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David: aking ipinaghanda ng ilawan ang aking pinahiran ng langis. |
|
| 18 |
|
| Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan: nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong. |
|
|
|
|