Ang Biblia 2001
|
| 1 |
| Narito, napakabuti at napakaligaya kapag ang magkakapatid ay sama-samang namumuhay na nagkakaisa! |
| 2 |
| Ito'y gaya ng mahalagang langis sa ulo, na tumutulo sa balbas, sa balbas ni Aaron, tumutulo sa laylayan ng kanyang damit! |
| 3 |
| Ito ay gaya ng hamog sa Hermon, na pumapatak sa mga bundok ng Zion! Sapagkat doon iniutos ng PANGINOON ang pagpapala, ang buhay magpakailanman. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2001/psalms/133.mp3
150
133