×

Magandang Balita Biblia (2005)

Awit 134

1
Lumapit kay Yahweh, at kayo'y magpuri, mga naglilingkod sa templo kung gabi.
2
Sa loob ng templo siya'y dalanginan, taas kamay na si Yahweh'y papurihan.
3
Pagpalain nawa kayo ni Yahweh, Diyos na lumikha ng langit at ng lupa; magmula sa Zion, ang iyong pagpapala.
Tagalog Bible 2005
2005 Philippine Bible Society
:
I-save ang Mga Tala