|
| 1 |
|
| Purihin si Yahweh! Ngalan niya ay purihin kayong mga lingkod niya. |
|
| 2 |
|
| Kayong lahat na sa banal niyang templo'y pumapasok upang doon manambahan sa banal na bahay ng Diyos. |
|
| 3 |
|
| Si Yahweh ay papurihan pagkat siya ay mabuti, ang taglay niyang kabaitan ay marapat sa papuri. |
|
| 4 |
|
| Siya rin nga ang pumili kay Jacob na kanyang lingkod, ang Israel nama'y bansang pinili niya at kinupkop. |
|
| 5 |
|
| Nalalaman kong si Yahweh ang Diyos na dakila, higit siya sa alinmang diyus-diyosang naglipana; |
|
| 6 |
|
| anumang nais ni Yahweh sa langit man o sa lupa, at kahit sa karagatan, ang anumang panukala, ginaganap niya ito, sa sariling pagkukusa. |
|
| 7 |
|
| Nilikha niya itong ulap na laganap sa daigdig, maging bagyong malalakas na may kidlat na mabilis; sa kanya rin nagmumula itong hanging umiihip. |
|
| 8 |
|
| Pinuksa niya sa Egipto bawat anak na panganay, maging tao't maging hayop ang panganay ay namatay. |
|
| 9 |
|
| Nagpakita siya roon ng gawang kahanga-hanga, upang kanyang pagdusahin si Farao't kanyang bansa. |
|
| 10 |
|
| Marami rin naman siyang winasak na mga bansa, at maraming mga haring pawang bantog ang pinuksa. |
|
| 11 |
|
| Itong haring Amoreo na si Sihon ang pangalan, at ang haring ang ngala'y Og, isang haring taga-Bashan, at iba pang mga hari na pinuksa sa Canaan. |
|
| 12 |
|
| Ang lupain nila roon ay kinuha at sinamsam, ibinigay sa Israel, bayang kanyang hinirang. |
|
| 13 |
|
| Ang pangalan mo, O Yahweh, ay magpakailanman, lahat ng nilikha, Yahweh, hindi ka malilimutan. |
|
| 14 |
|
| Ikaw nama'y mahahabag sa lahat ng iyong lingkod, ang alipin ay lalaya sa kanilang pagkagapos. |
|
| 15 |
|
| Ang mga diyos ng mga bansa'y gawa sa pilak at ginto, kamay ng mga tao ang humugis at bumuo. |
|
| 16 |
|
| Oo't mayro'n silang bibig, hindi naman maibuka, mga mata'y mayroon din, hindi naman makakita; |
|
| 17 |
|
| mayroon silang mga tainga, ngunit hindi makarinig, hindi sila humihinga, sa ilong man o sa bibig. |
|
| 18 |
|
| Ang gumawa sa kanila, at lahat nang nagtiwala, matutulad sa idolong sila na rin ang lumikha! |
|
| 19 |
|
| Si Yahweh ay papurihan, purihin siya, O Israel, maging kayong mga pari sa Diyos ay magpuri rin. |
|
| 20 |
|
| Si Yahweh ay papurihan, kayong lahat na Levita, lahat kayong sumasamba ay magpuring sama-sama. |
|
| 21 |
|
| Ang Diyos na nasa Zion ay sambahin at purihin, si Yahweh ay papurihan, sa templo sa Jerusalem. Purihin si Yahweh! |
|
|
|
|