×

Ang Biblia 1905 TLAB

Awit 136

1
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagkat siyay mabuti: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2
Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4
Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
5
Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
6
Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
7
Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw; sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
8
Ng araw upang magpuno sa araw: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
9
Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
10
Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
11
At kinuha ang Israel sa kanila: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
12
Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
13
Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
14
At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
15
Ngunit tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
16
Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
17
Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
18
At pumatay sa mga bantog na hari: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
19
Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo; sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
20
At kay Og na hari sa Basan: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
21
At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana. Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
22
Sa makatuwid bagay pinakamana sa Israel na kaniyang lingkod: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
23
Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
24
At iniligtas tayo sa ating mga kaaway: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
25
Siyay nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
26
Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982
:
I-save ang Mga Tala