×

Ang Biblia 2001

Awit 136

1
O magpasalamat kayo sa PANGINOON; sapagkat siya'y mabuti; sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.
2
O magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.
3
Ang Panginoon ng mga panginoon ay inyong pasalamatan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
4
siya na tanging gumagawa ng mga dakilang kababalaghan, sapagkat ang kanyang tapat napag-ibigay magpakailanman;
5
siya na sa pamamagitan ng unawa ay ginawa ang kalangitan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
6
siya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
7
siya na gumawa ng mga dakilang tanglaw, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
8
ng araw upang ang araw aypagharian, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
9
ng buwan at mga bituin upang ang gabi'y pamunuan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
10
siya na sa mga panganay sa Ehipto ay pumaslang, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
11
at mula sa kanila, ang Israel ay inilabas, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
12
sa pamamagitan ng malakas na kamay at ng unat na bisig, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
13
siya na sa Dagat na Pula ay humawi, sapagkat ang kanyang tapat napag-ibigay magpakailanman;
14
at sa gitna nito ang Israel ay pinaraan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
15
ngunit nilunod si Faraon at ang kanyang hukbo sa Pulang Dagat, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
16
siya na pumatnubay sa kanyang bayan sa ilang, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
17
siya na sa mga dakilang hari ay pumatay, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman,
18
at sa mga bantog na hari ay pumaslang, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
19
kay Sihon na hari ng mga Amorita, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
20
at kay Og na hari ng Basan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
21
at ang kanilang lupain bilang pamana'y ibinigay, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
22
isang pamana sa Israel na kanyang tauhan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.
23
Siya ang nakaalala sa atin sa ating mababang kalagayan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
24
at iniligtas tayo sa ating mga kaaway, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
25
siya na nagbibigay ng pagkain sa lahat ng laman, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.
26
O magpasalamat kayo sa Diyos ng kalangitan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.
Tagalog Bible 2001
Philippine Bible Society, 2001
:
I-save ang Mga Tala