Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Sa pampang ng mga ilog nitong bansang Babilonia, kami'y nakaupong tumatangis, sa tuwing Zion, aming naaalala. |
| 2 |
| Sa sanga ng mga kahoy, sa tabi ng ilog nila, isinabit namin doon, yaong dala naming lira. |
| 3 |
| Sa amin ay iniutos ng sa amin ay lumupig, na aliwin namin sila, ng matamis naming tinig, tungkol sa Zion, yaong paksa, niyong nais nilang awit. |
| 4 |
| Ang awit para kay Yahweh, pa'no namin aawitin, samantalang kami'y bihag sa lupaing hindi amin? |
| 5 |
| Ayaw ko nang ang lira ko'y hawakan pa at tugtugin, kung ang bunga sa pagtugtog, limutin ang Jerusalem; |
| 6 |
| di na ako aawit pa, kung ang aking sasapitin sa isip ko't alaala, ika'y ganap na limutin, kung ang kaligayahan ko ay sa iba ko hahanapin. |
| 7 |
| Yahweh, sana'y gunitain, ginawa ng Edomita, nang ang bayang Jerusalem ay malupig at makuha; sumisigaw silang lahat na ang wikang binabadya: “Iguho na nang lubusan, sa lupa ay ibagsak na!” |
| 8 |
| Tandaan mo, Babilonia, ika'y tiyak wawasakin, dahilan sa ubod sama ang ginawa mo sa amin; yaong taong magwawasak, mapalad na ituturing |
| 9 |
| kung ang inyong mga sanggol kunin niya at durugin! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/137.mp3
150
137