Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Nang maalala namin ang Zion, umupo kami sa pampang ng mga ilog ng Babilonia at umiyak. |
| 2 |
| Isinabit na lang namin ang aming mga alpa sa mga sanga ng kahoy. |
| 3 |
| Pinaaawit kami ng mga bumihag sa amin. Inuutusan nila kaming sila ay aliwin. Ang sabi nila, “Awitan ninyo kami ng mga awit tungkol sa Zion!” |
| 4 |
| Ngunit paano kami makakaawit ng awit ng Panginoon sa lupain ng mga bumihag sa amin? |
| 5 |
| Sanaʼy hindi na gumalaw ang kanan kong kamay kung kalilimutan ko ang Jerusalem! |
| 6 |
| Sanaʼy maging pipi ako kung hindi ko aalalahanin at ituturing na malaking kasiyahan ang Jerusalem. |
| 7 |
| Panginoon, alalahanin nʼyo ang ginawa ng mga taga-Edom nang lupigin ng Babilonia ang Jerusalem. Sinabi nila, “Sirain ninyo ito at wasakin nang lubos!” |
| 8 |
| Kayong mga taga-Babilonia, kayoʼy wawasakin! Mapalad ang mga taong lilipol sa inyo gaya ng ginawa ninyong paglipol sa amin. |
| 9 |
| Mapalad silang kukuha ng inyong mga sanggol, at ihahampas sa mga bato. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/137.mp3
150
137