Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia, doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo, nang ating maalaala ang Sion. |
| 2 |
| Sa mga punong sauce sa gitna niyaon ating ibinitin ang ating mga alpa. |
| 3 |
| Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit, at silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi: Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion. |
| 4 |
| Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon sa ibang lupain? |
| 5 |
| Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem, kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan. |
| 6 |
| Dumikit nawa ang aking dila sa ngalangala ng aking bibig, kung hindi kita alalahanin; kung hindi ko piliin ang Jerusalem ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan. |
| 7 |
| Alalahanin mo Oh Panginoon, laban sa mga anak ni Edom ang kaarawan ng Jerusalem; na nagsabi, Sirain, sirain, pati ng patibayan niyaon. |
| 8 |
| Oh anak na babae ng Babilonia, na sira; magiging mapalad siya, na gumaganti sa iyo na gaya ng iyong ginawa sa amin. |
| 9 |
| Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata sa malaking bato. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/137.mp3
150
137