×

Ang Biblia 1905 TLAB

Awit 138

1
Akoy magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso: sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
2
Akoy sasamba sa dako ng iyong banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan: sapagkat iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.
3
Nang araw na akoy tumawag ay sinagot mo ako, iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
4
Lahat ng mga hari sa lupa ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sapagkat kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.
5
Oo, silay magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon; sapagkat dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.
6
Sapagkat bagaman ang Panginoon ay mataas, gumagalang din sa mababa: ngunit ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
7
Bagaman akoy lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako; iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway, at ililigtas ako ng iyong kanan.
8
Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin: ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man; huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982
:
I-save ang Mga Tala