Ang Biblia 2001
|
| 1 |
| Ako'y nagpapasalamat sa iyo, O PANGINOON, ng aking buong puso; sa harapan ng mga diyos ay aawit ako ng mga papuri sa iyo. |
| 2 |
| Ako'y yuyukod paharap sa iyong banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan dahil sa iyong tapat na pag-ibig at katapatan, sapagkat iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan. |
| 3 |
| Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako, iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa. |
| 4 |
| Lahat ng mga hari sa lupa ay magpupuri sa iyo, O PANGINOON, sapagkat kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig; |
| 5 |
| at sila'y magsisiawit tungkol sa mga pamamaraan ng PANGINOON; sapagkat dakila ang kaluwalhatian ng PANGINOON. |
| 6 |
| Bagaman ang PANGINOON ay mataas, kanyang pinapahalagahan ang mababa; ngunit ang palalo ay nakikilala niya mula sa malayo. |
| 7 |
| Bagaman ako'y lumalakad sa gitna ng kaguluhan, ako'y iyong muling bubuhayin, iyong iniuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway, at ililigtas ako ng iyong kanang kamay. |
| 8 |
| Tutuparin ng PANGINOON ang kanyang layunin para sa akin; ang iyong tapat na pag-ibig, O PANGINOON, ay magpakailanman. Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong mga kamay. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2001/psalms/138.mp3
150
138