×

Ang Biblia 1905 TLAB

Awit 14

1
Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: silay nangapapahamak, silay nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti,
2
Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa, na hinahanap ng Dios.
3
Silang lahat ay nagsihiwalay; silay magkakasama na naging kahalayhalay; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4
Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan? na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay, at hindi nagsisitawag sa Panginoon.
5
Dooy nangapasa malaking katakutan sila: sapagkat ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
6
Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha, sapagkat ang Panginoon ang kaniyang kanlungan.
7
Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling sa Sion! Kung ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan, magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982
:
I-save ang Mga Tala