Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| “Wala namang Diyos!” ang sabi ng hangal sa kanyang sarili. Silang lahat ay masasama, kakila-kilabot ang kanilang mga gawa; walang gumagawa ng mabuti, wala nga, wala! |
| 2 |
| Nagmamasid si Yahweh mula sa itaas, sangkatauha'y kanyang sinisiyasat; tinitingnan kung may taong marunong pa, na sa kanya'y gumagalang at sumasamba. |
| 3 |
| Silang lahat ay naligaw ng landas, at naging masasama silang lahat; walang gumagawa sa kanila ng tama, wala ni isa man, wala nga, wala! |
| 4 |
| Ang tanong ni Yahweh: “Di ba nila alam, itong masasama, lahat na ba'y mangmang? Itong aking baya'y pinagnanakawan at akong si Yahweh ay ayaw dalanginan!” |
| 5 |
| Darating ang araw na sila'y matatakot, sapagkat kakampi ng Diyos ang mga sa kanya'y sumusunod. |
| 6 |
| Hadlangan man nila ang balak ng mga taong hamak, ngunit si Yahweh ang sa kanila'y mag-iingat. |
| 7 |
| Ang aking hinihiling nawa ay dumating, mula sa Zion, ang kaligtasan ng Israel. Labis na magagalak ang bayang Israel, kapag muli silang pasaganain ni Yahweh. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/014.mp3
150
14