Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| “Walang Dios!” Iyan ang sinasabi ng mga hangal sa kanilang sarili. Masasama sila at kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa. Ni isa sa kanila ay walang gumagawa ng mabuti. |
| 2 |
| Mula sa langit, tinitingnan ng Panginoon ang lahat ng tao, kung may nakakaunawa ng katotohanan at naghahanap sa kanya. |
| 3 |
| Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao. Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti. |
| 4 |
| Kailan kaya matututo ang masasamang tao? Sinasamantala nila ang aking mga kababayan para sa kanilang pansariling kapakanan. At hindi sila nananalangin sa Panginoon. |
| 5 |
| Ngunit darating ang araw na manginginig sila sa takot, dahil kakampihan ng Dios ang mga matuwid. |
| 6 |
| Sinisira ng masasamang tao ang mga plano ng mga dukha, ngunit ang Panginoon ang magiging kanlungan nila. |
| 7 |
| Dumating na sana ang Tagapagligtas ng Israel mula sa Zion! Magsasaya ang mga Israelita, ang mga mamamayan ng Panginoon, kapag naibalik na niya ang kanilang kasaganaan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/014.mp3
150
14