Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Sa mga masama ako ay iligtas, iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas; |
| 2 |
| sila'y nagpaplano at kanilang hangad palaging mag-away, magkagulo lahat. |
| 3 |
| Mabagsik ang dila na tulad ng ahas, tulad ng ulupong, taglay na kamandag. (Selah) |
| 4 |
| Sa mga masama ako ay iligtas; iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas, na ang nilalayon ako ay ibagsak. |
| 5 |
| Taong mga hambog, ang gusto sa akin, ako ay masilo, sa bitag hulihin, sa bitag na umang sa aking landasin. (Selah) |
| 6 |
| Sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos.” Kaya ako'y dinggin sa aking pagdulog. |
| 7 |
| Panginoong Yahweh, na Tagapagligtas, nang ako'y lusubin, ikaw ang nag-ingat. |
| 8 |
| Taong masasama, sa kanilang hangad ay iyong hadlangan, biguin mo agad. (Selah) |
| 9 |
| Ang mga kaaway, huwag pagtagumpayin, pagdusahin sila sa banta sa akin. |
| 10 |
| Bagsakan mo sila ng apoy na baga, itapon sa hukay nang di makaalsa. |
| 11 |
| At ang mga taong gawai'y mangutya, huwag pagtagumpayin sa kanilang nasa; ang marahas nama'y bayaang mapuksa. |
| 12 |
| Batid ko, O Yahweh, iyong papanigan ang mga mahirap, upang isanggalang, at pananatilihin ang katarungan. |
| 13 |
| Ang mga matuwid magpupuring tunay, ika'y pupurihi't sa iyo mananahan! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/140.mp3
150
140