Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga taong masama at malupit. |
| 2 |
| Nagpaplano sila ng masama at palaging pinag-aaway ang mga tao. |
| 3 |
| Ang kanilang mga dila ay parang mga makamandag na ahas; at ang kanilang mga salita ay makakalason na parang kamandag ng ahas. |
| 4 |
| Panginoon, ingatan nʼyo ako sa masasama at malulupit na mga taong nagpaplanong akoʼy ipahamak. |
| 5 |
| Ang mga hambog ay naglagay ng mga bitag para sa akin; naglagay sila ng lambat sa aking dinadaanan upang ako ay hulihin. |
| 6 |
| Panginoon, kayo ang aking Dios. Dinggin nʼyo Panginoon ang pagsamo ko sa inyo. |
| 7 |
| Panginoong Dios, kayo ang aking makapangyarihang Tagapagligtas; iniingatan nʼyo ako sa panahon ng digmaan. |
| 8 |
| Panginoon, huwag nʼyong ipagkaloob sa masama ang kanilang mga hinahangad. Huwag nʼyong payagang silaʼy magtagumpay sa kanilang mga plano, baka silaʼy magmalaki. |
| 9 |
| Sana ang masasamang plano ng aking mga kaaway na nakapaligid sa akin ay mangyari sa kanila. |
| 10 |
| Bagsakan sana sila ng mga nagniningas na baga, at ihulog sana sila sa hukay nang hindi na sila makabangon pa. |
| 11 |
| Madali sanang mawala sa lupa ang mga taong nagpaparatang ng mali laban sa kanilang kapwa. Dumating sana ang salot sa mga taong malupit upang lipulin sila. |
| 12 |
| Panginoon, alam kong iniingatan nʼyo ang karapatan ng mga dukha, at binibigyan nʼyo ng katarungan ang mga nangangailangan. |
| 13 |
| Tiyak na pupurihin kayo ng mga matuwid at sa piling nʼyo silaʼy mananahan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/140.mp3
150
140