Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Sa iyo, O Yahweh, ako'y dumadalangin sa aking pagtawag, ako sana'y dinggin. |
| 2 |
| Ang aking dalangin sana'y tanggapin mo, masarap na samyong handog na insenso; itong pagtaas ng mga kamay ko. |
| 3 |
| O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan, ang mga labi ko'y lagyan mo ng bantay. |
| 4 |
| Huwag mong babayaang ako ay matukso, sa gawang masama ay magumon ako; ako ay ilayo, iiwas sa gulo, sa handaan nila'y nang di makasalo. |
| 5 |
| Pagkat may pag-ibig, ang mabuting tao puwedeng magparusa't pagwikaan ako, ngunit ang masama ay hindi ko ibig na ang aking ulo'y buhusan niya ng langis; pagkat ang dalangin at lagi kong hibik, ay laban sa gawa niyang malulupit. |
| 6 |
| Kung sila'y bumagsak tuloy na hatulan, maniniwala na ang mga nilalang na ang salita ko ay katotohanan. |
| 7 |
| Tulad ng panggatong na pira-piraso, sa pinaglibinga'y kakalat ang buto. |
| 8 |
| Di ako hihinto sa aking pananalig, ang pag-iingat mo'y aking ninanais, huwag mong itutulot, buhay ko'y mapatid. |
| 9 |
| Sa mga patibong ng masamang tao, ilayo mong lubos, ingatan mo ako. |
| 10 |
| Iyong pabayaang sila ang mahulog, samantalang ako'y ligtas mong kinupkop. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/141.mp3
150
141