Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Panginoon, tumatawag ako sa inyo; agad nʼyo akong tulungan. Dinggin nʼyo ang panawagan ko sa inyo. |
| 2 |
| Tanggapin nʼyo sana ang dalangin ko bilang insenso, ang pagtataas ko ng aking mga kamay bilang handog panggabi. |
| 3 |
| Panginoon, tulungan nʼyo akong huwag makapagsalita ng masama. |
| 4 |
| Ilayo nʼyo ako sa gawaing masama at sa mga taong gumagawa nito. Ilayo nʼyo rin ako sa kanilang mga handaan upang huwag makisalo. |
| 5 |
| Tatanggapin ko ang parusa at pagsaway ng taong matuwid, dahil ginagawa nila ito na may pag-ibig at pagmamalasakit sa akin. Itoʼy parang langis sa aking ulo. Pero sa masasamang tao ang lagi kong panalangin ay laban sa kanilang masasamang gawain. |
| 6 |
| Kapag itinapon na ang kanilang mga pinuno sa mabatong bangin, maniniwala silang totoo ang mga sinasabi ko. |
| 7 |
| Sasabihin nila, “Kakalat sa libingan ang mga buto natin katulad ng mga bato na naglalabasan at kumakalat kapag inaararo ang lupa.” |
| 8 |
| Panginoong Dios, akoʼy lumalapit sa inyo. Hinihiling ko sa inyo na ingatan nʼyo ako, huwag nʼyong hahayaang akoʼy mamatay. |
| 9 |
| Ilayo nʼyo ako mula sa mga bitag na inilaan sa akin ng masasamang tao. |
| 10 |
| Sila sana ang mahulog sa sarili nilang bitag, habang ako naman ay makakaiwas doon. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/141.mp3
150
141