Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| O Yahweh, ako ay humingi ng tulong, ako'y maghihintay sa iyong pagtugon; |
| 2 |
| ang aking dinala'y lahat kong hinaing, at ang sinabi ko'y pawang suliranin. |
| 3 |
| Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi'y nalalaman niya. Sa landas na aking pinagdaraanan, may handang patibong ang aking kaaway. |
| 4 |
| Sa aking paligid, nang ako'y lumingon, wala ni isa man akong makatulong; wala kahit isa na magsasanggalang, ni magmalasakit na kahit sinuman. |
| 5 |
| Ako ay humibik, kay Yahweh dumaing, sa Tagapagligtas, ako'y dumalangin; tunay na ikaw lang mahalaga sa akin. |
| 6 |
| Dinggin ang hibik ko, ako ay tulungan, pagkat halos ako'y di makagulapay; iligtas mo ako sa mga kaaway, na mas malalakas ang mga katawan. |
| 7 |
| Sa suliranin ko, ako ay hanguin, at ang pangalan mo'y aking pupurihin, sa gitna ng madlang mga lingkod mo rin sa kabutihan mong ginawa sa akin! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/142.mp3
150
142