Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Tumawag ako nang malakas sa inyo, Panginoon. Nananalangin ako na kaawaan nʼyo ako. |
| 2 |
| Sinasabi ko sa inyo ang aking mga hinaing at mga suliranin. |
| 3 |
| Kapag akoʼy nawawalan na ng pag-asa, kayo ay nariyan na nagbabantay kung ano ang nangyayari sa akin. Ang aking mga kaaway ay naglagay ng bitag sa aking dinadaanan. |
| 4 |
| Tingnan nʼyo ang aking paligid, walang sinumang tumutulong sa akin. Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin. |
| 5 |
| Kaya tumawag ako sa inyo, Panginoon. Sinabi ko, “Kayo ang aking kanlungan, kayo lang ang kailangan ko rito sa mundo.” |
| 6 |
| Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong, dahil wala na akong magawa. Iligtas nʼyo ako sa mga umuusig sa akin, dahil silaʼy mas malakas sa akin. |
| 7 |
| Palayain nʼyo ako sa bilangguang ito, upang akoʼy makapagpuri sa inyo. At ang mga matuwid ay magtitipon sa paligid ko, dahil sa kabutihan nʼyo sa akin, Panginoon. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/142.mp3
150
142