Sapagkat pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko; kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa: kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa koy nanglulupaypay: huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; baka akoy maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan; sapagkat sa iyo ako tumitiwala: ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran; sapagkat itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
At sa iyong kagandahang-loob ay ihiwalay mo ang aking mga kaaway, at lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa; sapagkat akoy iyong lingkod.