Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin, tapat ka't matuwid, kaya ako'y dinggin. |
| 2 |
| Itong iyong lingkod, huwag mo nang subukin, batid mo nang lahat, kami ay salarin. |
| 3 |
| Ako ay tinugis ng aking kaaway, lubos na nilupig ng aking kalaban; sa dilim na dako, ako ay nakulong, tulad ko'y patay nang mahabang panahon. |
| 4 |
| Ang kaluluwa ko'y halos sumuko na, sapagkat ang buhay ko'y wala nang pag-asa. |
| 5 |
| Araw na lumipas, aking nagunita, at naalala ang iyong ginawa, sa iyong kabutihan, ako ay namangha! |
| 6 |
| Ako'y dumalangin na taas ang kamay, parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw. (Selah) |
| 7 |
| Nawala nang lahat ang aking pag-asa, kaya naman, Yahweh, ako'y dinggin mo na! Kung ika'y magkubli, baka ang hantungan ako ay ituring na malamig na bangkay, at ang tunguhin ko'y madilim na hukay. |
| 8 |
| Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik, patnubayan ako sa daang matuwid. |
| 9 |
| Iligtas mo ako sa mga kalaban, ikaw lang, O Yahweh, ang aking kanlungan. |
| 10 |
| Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan na aking masunod ang iyong kalooban; ang Espiritu mo'y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan. |
| 11 |
| Ikaw ay nangakong ako'y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad; iligtas mo ako sa mga bagabag. |
| 12 |
| Dahilan sa iyong pagtingin sa akin, ang mga kaaway ko'y iyong lipulin; ang nagpapahirap sa aki'y wasakin, yamang ang lingkod mo ay iyong alipin. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/143.mp3
150
143