Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Panginoon, dinggin nʼyo ang aking panalangin. Dinggin nʼyo ang aking pagsusumamo. Tulungan nʼyo ako dahil kayo ay matuwid at tapat. |
| 2 |
| Huwag nʼyong hatulan ang inyong lingkod, dahil walang sinumang matuwid sa inyong harapan. |
| 3 |
| Tinugis ako ng aking mga kaaway. Tinalo ako at inilagay sa madilim na bilangguan; tulad ako ng isang taong matagal nang patay. |
| 4 |
| Kaya nawalan na ako ng pag-asa, at punong-puno ng takot ang puso ko. |
| 5 |
| Naalala ko ang inyong mga ginawa noong una; pinagbulay-bulayan ko ang lahat ng inyong ginawa. |
| 6 |
| Itinaas ko ang aking mga kamay sa inyo at nanalangin, kinauuhawan ko kayo tulad ng tuyong lupa na uhaw sa tubig. |
| 7 |
| Panginoon, agad nʼyo akong sagutin. Nawawalan na ako ng pag-asa. Huwag nʼyo akong layuan, baka akoʼy mamatay. |
| 8 |
| Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin ang inyong pag-ibig, dahil sa inyo ako nagtitiwala. Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan na dapat kong daanan, dahil sa inyo ako nananalangin. |
| 9 |
| Panginoon, iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway, dahil sa inyo ako humihingi ng kalinga. |
| 10 |
| Turuan nʼyo akong sundin ang inyong kalooban, dahil kayo ang aking Dios. Patnubayan sana ako ng inyong butihing Espiritu sa landas na walang kapahamakan. |
| 11 |
| Iligtas nʼyo ako, Panginoon, upang kayo ay maparangalan. Dahil kayo ay matuwid, iligtas nʼyo ako sa kaguluhan. |
| 12 |
| Alang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin na inyong lingkod, lipulin nʼyo ang aking mga kaaway. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/143.mp3
150
143