|
| 1 |
|
| Ako ay magpupuri sa inyo, aking Dios at Hari. Pupurihin ko kayo magpakailanman. |
|
| 2 |
|
| Pupurihin ko kayo araw-araw, at itoʼy gagawin ko magpakailanman. |
|
| 3 |
|
| Panginoon, kayoʼy makapangyarihan at karapat-dapat na purihin. Ang inyong kadakilaan ay hindi kayang unawain. |
|
| 4 |
|
| Ang bawat salinlahi ay magsasabi sa susunod na salinlahi ng tungkol sa inyong makapangyarihang gawa. |
|
| 5 |
|
| Pagbubulay-bulayan ko ang inyong kadakilaan at kapangyarihan, at ang inyong kahanga-hangang mga gawa. |
|
| 6 |
|
| Ipamamalita ng mga tao ang inyong kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa, at ipamamalita ko rin ang inyong kadakilaan. |
|
| 7 |
|
| Ipamamalita nila ang katanyagan ng inyong kabutihan, at aawit sila nang may kagalakan tungkol sa inyong katuwiran. |
|
| 8 |
|
| Panginoon, kayoʼy mahabagin at matulungin; hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal. |
|
| 9 |
|
| Panginoon, mabuti kayo sa lahat; nagmamalasakit kayo sa lahat ng inyong nilikha. |
|
| 10 |
|
| Pasasalamatan kayo, Panginoon, ng lahat ng inyong nilikha; pupurihin kayo ng inyong mga tapat na mamamayan. |
|
| 11 |
|
| Ipamamalita nila ang inyong kapangyarihan at ang kadakilaan ng inyong paghahari, |
|
| 12 |
|
| upang malaman ng lahat ang inyong dakilang mga gawa at ang kadakilaan ng inyong paghahari. |
|
| 13 |
|
| Ang inyong paghahari ay magpakailanman. Panginoon, tapat kayo sa inyong mga pangako, at mapagmahal kayo sa lahat ng inyong nilikha. |
|
| 14 |
|
| Tinutulungan nʼyo ang mga dumaranas ng kahirapan, at pinalalakas ang mga nanghihina. |
|
| 15 |
|
| Ang lahat ng nilalang na may buhay ay umaasa sa inyo, at binibigyan nʼyo sila ng pagkain sa panahong kailangan nila. |
|
| 16 |
|
| Sapat ang inyong ibinibigay at silaʼy lubos na nasisiyahan. |
|
| 17 |
|
| Panginoon, matuwid kayo sa lahat ng inyong pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa. |
|
| 18 |
|
| Kayoʼy malapit sa lahat ng tapat na tumatawag sa inyo. |
|
| 19 |
|
| Ibinibigay nʼyo ang nais ng mga taong may takot sa inyo; pinapakinggan nʼyo ang kanilang mga daing at inililigtas nʼyo sila. |
|
| 20 |
|
| Binabantayan nʼyo ang mga umiibig sa inyo, ngunit ang masasama ay lilipulin ninyo. |
|
| 21 |
|
| Pupurihin ko kayo, Panginoon! Ang lahat ng nilikha ay magpupuri sa inyo magpakailanman. |
|
|
|
|