Ang Biblia 2001
|
| 1 |
| Purihinang PANGINOON! Purihin mo ang PANGINOON, O kaluluwa ko! |
| 2 |
| Pupurihin ko ang PANGINOON habang ako'y nabubuhay, ako'y aawit ng mga papuri sa aking Diyos, habang ako'y may buhay. |
| 3 |
| Huwag kayong magtiwala sa mga pinuno, o sa anak man ng tao na walang kaligtasan. |
| 4 |
| Ang kanyang espiritu ay humiwalay, siya'y bumabalik sa kanyang lupa; sa araw ding iyon ay naglalaho ang kanyang mga panukala. |
| 5 |
| Maligaya siya na ang saklolo ay ang Diyos ni Jacob, na ang pag-asa ay nasa PANGINOON niyang Diyos, |
| 6 |
| na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat ng naroroon; na nag-iingat ng katotohanan magpakailanman; |
| 7 |
| na naglalapat ng katarungan sa naaapi; na nagbibigay ng pagkain sa nagugutom. Pinalalaya ng PANGINOON ang mga bilanggo; |
| 8 |
| binubuksan ng PANGINOON ang mga mata ng bulag. Ibinabangon ng PANGINOON ang mga nabubuwal. Iniibig ng PANGINOON ang matuwid. |
| 9 |
| Iniingatan ng PANGINOON ang mga banyaga; kanyang inaalalayan ang babaing balo at ang ulila, ngunit ang lakad ng masama ay inililihis niya. |
| 10 |
| Magpakailanman ang PANGINOON ay maghahari, ang iyong Diyos, O Zion, sa lahat ng salinlahi. Purihin ang PANGINOON! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2001/psalms/146.mp3
150
146