Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Purihin si Yahweh! Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa! |
| 2 |
| Pupurihin siya't aking aawitan; aking aawitan habang ako'y buháy. |
| 3 |
| Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak, kahit sa kaninong di makapagligtas; |
| 4 |
| kung sila'y mamatay, balik sa alabok, kahit anong plano nila'y natatapos. |
| 5 |
| Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos, |
| 6 |
| sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan. |
| 7 |
| Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag; |
| 8 |
| isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, ang mga hinirang niya'y nililingap. |
| 9 |
| Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya. |
| 10 |
| Walang hanggang Hari, ang Diyos na si Yahweh! Ang Diyos mo, Zion, ay mananatili! Purihin si Yahweh! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/146.mp3
150
146