Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Purihin ang Panginoon! Karapat-dapat na purihin ang Panginoon. |
| 2 |
| Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon. Aawitan ko ang aking Dios ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay. |
| 3 |
| Huwag kayong magtiwala sa mga makapangyarihang tao o kaninuman, dahil silaʼy hindi makapagliligtas. |
| 4 |
| Kapag silaʼy namatay, babalik sila sa lupa, at ang kanilang mga binabalak ay mawawalang lahat. |
| 5 |
| Mapalad ang tao na ang tulong ay nagmumula sa Dios ni Jacob, na ang kanyang pag-asa ay sa Panginoon na kanyang Dios, |
| 6 |
| na siyang gumawa ng langit at lupa, ng dagat at ang lahat ng narito. Mananatiling tapat ang Panginoon magpakailanman. |
| 7 |
| Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi, at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom. Pinalalaya ng Panginoon ang mga bilanggo. |
| 8 |
| Pinagagaling niya ang mga bulag para makakita, pinalalakas ang mga nanghihina, at ang mga matuwid ay minamahal niya. |
| 9 |
| Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasama. |
| 10 |
| Mga taga-Zion, ang Panginoon na inyong Dios ay maghahari magpakailanman. Purihin ang Panginoon! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/146.mp3
150
146