|
| 1 |
|
| Purihin ang Panginoon! Napakabuting umawit ng pagpupuri sa ating Dios. Napakabuti at nararapat lang na siya ay purihin. |
|
| 2 |
|
| Itinatayong muli ng Panginoon ang Jerusalem, at muli niyang tinitipon ang mga nabihag na Israelita. |
|
| 3 |
|
| Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat. |
|
| 4 |
|
| Ang bilang ng mga bituin ay kanyang nalalaman at ang bawat isa ay binigyan niya ng pangalan. |
|
| 5 |
|
| Makapangyarihan ang ating Panginoon. Ang kanyang karunungan ay walang hangganan. |
|
| 6 |
|
| Tinutulungan ng Panginoon ang mga inaapi, ngunit nililipol niya nang lubos ang masasama. |
|
| 7 |
|
| Umawit kayo ng pasasalamat sa Panginoon. Tumugtog kayo ng alpa para sa ating Dios. |
|
| 8 |
|
| Pinupuno niya ng mga ulap ang kalawakan, at pinauulanan niya ang mundo, at pinatutubo ang mga damo sa kabundukan. |
|
| 9 |
|
| Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at ang mga inakay na uwak kapag dumadaing ang mga ito. |
|
| 10 |
|
| Hindi siya nalulugod sa lakas ng mga kabayo o sa kagitingan ng mga kawal. |
|
| 11 |
|
| Ang Panginoon ay nalulugod sa mga may takot sa kanya at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig. |
|
| 12 |
|
| Purihin ninyo ang Panginoon na inyong Dios, kayong mga naninirahan sa Zion, ang bayan ng Jerusalem! |
|
| 13 |
|
| Dahil pinatitibay niya ang pintuan ng inyong bayan, at kayoʼy kanyang pinagpapala. |
|
| 14 |
|
| Binibigyan niya ng kapayapaan ang inyong lugar, at binubusog niya kayo ng pinakamabuting trigo. |
|
| 15 |
|
| Inuutusan niya ang mundo, at agad naman itong sumusunod. |
|
| 16 |
|
| Inilalatag niya sa lupa ang nyebe na parang mga puting kumot, at ikinakalat na parang abo. |
|
| 17 |
|
| Nagpapadala siya ng ulan na yelo na parang maliliit na bato. Kahit sino ay walang makatagal sa lamig nito. |
|
| 18 |
|
| Sa kanyang utos, ang yelo ay natutunaw. Pinaiihip niya ang hangin, at ang yelo ay nagiging tubig na umaagos. |
|
| 19 |
|
| Ipinahayag niya ang kanyang mga salita, mga tuntunin at mga utos sa mga taga-Israel na lahi ni Jacob. |
|
| 20 |
|
| Hindi niya ito ginawa sa ibang mga bansa; hindi nila alam ang kanyang mga utos. Purihin ang Panginoon! |
|
|
|
|