Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit: purihin ninyo siya sa mga kaitaasan. |
| 2 |
| Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel: purihin ninyo siya, buo niyang hukbo. |
| 3 |
| Purihin ninyo siya, araw at buwan: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag. |
| 4 |
| Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit, at ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit. |
| 5 |
| Purihin nila ang pangalan ng Panginoon: sapagkat siyay nagutos, at silay nangalikha. |
| 6 |
| Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man: siyay gumawa ng pasiya na hindi mapapawi. |
| 7 |
| Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa, Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman: |
| 8 |
| Apoy at granizo, nieve at singaw; unos na hangin, na gumaganap ng kaniyang salita: |
| 9 |
| Mga bundok at lahat ng mga gulod; mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro: |
| 10 |
| Mga hayop at buong kawan; nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad: |
| 11 |
| Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan; mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa: |
| 12 |
| Mga binata at gayon din ng mga dalaga; mga matanda at mga bata: |
| 13 |
| Purihin nila ang pangalan ng Panginoon; sapagkat ang kaniyang pangalan magisa ay nabunyi: ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit. |
| 14 |
| At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan, ang papuri ng lahat niyang mga banal; sa makatuwid bagay ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya. Purihin ninyo ang Panginoon. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/148.mp3
150
148