Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Purihin si Yahweh! Purihin ang Diyos, nitong kalangitan, kayo sa itaas siya'y papurihan. |
| 2 |
| Ang lahat ng anghel, magpuri't magdiwang, kasama ang hukbo roong karamihan! |
| 3 |
| Ang araw at buwan, siya ay purihin, purihin din siya ng mga bituin, |
| 4 |
| mataas na langit, siya ay purihin, tubig sa itaas, gayon din ang gawin! |
| 5 |
| Siya ang may utos na kayo'y likhain, kaya ang ngalan niya ay dapat purihin. |
| 6 |
| Kanyang itinatag, kanilang kinalagyan, hindi magbabago magpakailanpaman. |
| 7 |
| Purihin n'yo si Yahweh, buong sanlibutan, maging dambuhala nitong karagatan. |
| 8 |
| Ulan na may yelo, kidlat pati ulap, malakas na hangin, sumunod na lahat! |
| 9 |
| Pagpupuri kay Yahweh lahat ay mag-ukol. Mga kabundukan, mataas na burol, malawak na gubat, mabubungang kahoy; |
| 10 |
| hayop na maamo't mailap na naroon, maging hayop na gumagapang at mga ibon. |
| 11 |
| Pupurihin siya ng lahat ng tao, hari at prinsipe, lahat ng pangulo; |
| 12 |
| babae't lalaki, mga kabataan, matatandang tao't kaliit-liitan. |
| 13 |
| Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas; sa langit at lupa'y maluwalhating ganap. |
| 14 |
| Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa, kaya pinupuri ng piniling madla, ang bayang Israel, mahal niyang lubha! Purihin si Yahweh! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/148.mp3
150
148