Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Purihin si Yahweh! O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit, purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya. |
| 2 |
| Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha; dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa. |
| 3 |
| Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan; alpa't tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan. |
| 4 |
| Si Yahweh ay nagagalak sa kanyang mga hirang, sa mga mapagpakumbaba'y tagumpay ang ibibigay. |
| 5 |
| Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang, sa kanilang pagdiriwang ay magsaya't mag-awitan. |
| 6 |
| Papuri sa ating Diyos, ipahayag nang malakas, hawak-hawak ang espadang dobleng-talim at matalas, |
| 7 |
| upang bawat mga bansang nagmalabis ay gantihan, at bigyan ang mamamayan ng parusang kailangan. |
| 8 |
| Mga hari't maharlika ay kanilang bibihagin, sa tanikalang bakal, silang lahat ay gagapusin, |
| 9 |
| upang sila ay hatulan sang-ayon sa itinakda. Ito ang siyang karangalan ng kanyang pinagpala. Purihin si Yahweh! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/149.mp3
150
149