Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Purihin ang Panginoon! Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon. Purihin nʼyo siya sa pagtitipon ng kanyang tapat na mga mamamayan. |
| 2 |
| Magalak ang mga taga-Israel sa kanilang Manlilikha. Magalak ang mga taga-Zion sa kanilang Hari. |
| 3 |
| Magpuri sila sa kanya sa pamamagitan ng pagsasayaw; at tumugtog sila ng tamburin at alpa sa pagpupuri sa kanya. |
| 4 |
| Dahil ang Panginoon ay nalulugod sa kanyang mga mamamayan; pinararangalan niya ang mga mapagpakumbaba sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tagumpay. |
| 5 |
| Magalak ang mga tapat sa Dios dahil sa kanilang tagumpay; umawit sila sa tuwa kahit sa kanilang mga higaan. |
| 6 |
| Sumigaw sila ng pagpupuri sa Dios habang hawak ang matalim na espada, |
| 7 |
| para maghiganti at magparusa sa mamamayan ng mga bansa, |
| 8 |
| para ikadena ang kanilang mga hari at mga pinuno, |
| 9 |
| at parusahan sila ayon sa utos ng Dios. Itoʼy para sa kapurihan ng mga tapat na mamamayan ng Dios. Purihin ang Panginoon! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/149.mp3
150
149