Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Panginoon, sino ang maaaring tumira sa inyong templo? Sino ang karapat-dapat na tumira sa inyong Banal na Bundok? |
| 2 |
| Sumagot ang Panginoon, “Ang taong namumuhay ng tama, walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan, |
| 3 |
| hindi naninirang puri, at hindi nagsasalita at gumagawa ng masama laban sa kanyang kapwa. |
| 4 |
| Itinatakwil ang mga taong sobrang sama, ngunit pinararangalan ang mga taong may takot sa Dios. Tinutupad ang kanyang ipinangako kahit na mahirap gawin. |
| 5 |
| Hindi nagpapatubo sa kanyang mga pautang, at hindi tumatanggap ng suhol upang sumaksi laban sa taong walang kasalanan.” Ang taong gumagawa ng ganito ay hindi matitinag kailanman. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/015.mp3
150
15