Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Dios sa kanyang templo. Purihin nʼyo siya sa langit, ang kanyang matibay na tirahan. |
| 2 |
| Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang dakilang mga ginagawa. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang kapangyarihang walang kapantay. |
| 3 |
| Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga trumpeta! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga alpa at lira! |
| 4 |
| Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga tamburin at mga sayaw. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga instrumentong may kwerdas at mga plauta. |
| 5 |
| Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga matutunog na mga pompyang. |
| 6 |
| Ang lahat ng may buhay ay magpuri sa Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/150.mp3
150
150